Hustisya isinisigaw sa pagkamatay ni Dr. Vicente Soco Jr., ang Provl Health Officer ng Dinagat Province. Isang Indignation Rally ang isinagawa ng mga kasamahan sa trabaho at iilang opisyal ng Dinagat Province bilang pagpaabot ng panawagan na makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Dr. Vicente Soco Jr., ang Provl Health Officer ng Dinagat Province. Ang rally ang isinagawa mula sa Kapitolyo ng Dinagat patungo sa pinangyarihan sa krimen sa Brgy. GT, Dinagat hanggang sa Port Area ng San Jose. Kinondena ni Vice Gov Benglen Ecleo ang pagkamatay sa Provl Health Officer na ayon sa kanya isang mabuting tao, kaibigan at pinakamagaling na surgeon. Dagdag pa nito, si Dr. Soco ang tagapagligtas ng mga mahihirap na tao sa Dinagat Province. Panawagan nito na sana’y magtrabaho pa ng maigi ang PNP para malutas ang kaso. Samantala, ipinaabot rin ni Cong. Arlene “Kaka” Bag-ao ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya at kaibigan ni Dr. Soco, diumano’y isa siyang malaking kawalan sa Dinagat Province. Pangako nito ang pagpaabot ng tulong para makamit ang hustisya sa pagkamatay ng doktor. Diumano’y ang karahasan at kawalang hustisya ang walang lugar sa kanilang probinsiya. Hanggang sa mga oras na ito, patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa pangyayari noong Sept. 14 na kung saan binaril at pinatay si Dr. Soco ng riding in tandem sa Brgy. GT, Dinagat Island, isa sa mga anggulo; kung may kinalaman sa trabaho o kaya’y sa negosyo nitong gasoline station ang krimen. Ang bangkay ng Provl Health Officer ang dinala na ng pamilya nito sa tinubuang-bayan sa Davao City.
Hustisya isinisigaw sa pagkamatay ni Dr. Vicente Soco Jr., ang Provl Health Officer ng Dinagat Province
Facebook Comments