Hustisya naririyan pa rin ayon kay Gov. Mangudadatu

Malaki ang paniniwala ni Maguindanao Goverrnor Esmael Toto Mangudadatu na naririyan pa rin ang hustisya at hindi sila nawawalan ng pag asa na itoy kanila ring makakamtan sa tamang panahon. Ang nais nila ngayon ay ang mabilis na paglilitis sa kaso para magkaroon na ng positibong resulta dahil walong taon na ang nakakalipas ay zero conviction pa rin. Kahit wala na siya sa pulitika habang siyay nabubuhay ay hahanapin pa rin niya hustisya.
Noong panahong mangyari ang malagim na masaker ay si dating mayor at ngayon ay Pangulong Duterte ang unang tumulong sa pamilyang Mangudadatu para mahanap at matagpuan ang lugar na pinagdalhan sa mga biktima ng masaker. Ngayong Pangulo na si Duterte ay naniniwala si Gov. Mangudadatu ang pangulo ang magiging tulay para tuluyang mahanap ang hustisya.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments