HUSTISYA | OFW na sapilitang pinainom ng bleach, bumubuti na ang kondisyon – DFA

Manila, Philippines – Unti-unti nang bumubuti ang kondisyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na si Agnes Mancilla matapos siyang sapilitang painumin ng household bleach ng kanyang amo sa Saudi Arabia.

Ayon kay Jeddah Consul General Edgar Badajos, nakakapagsalita na sa ngayon si Mancilla.

Sa kabila ng kanyang sitwasyon, inilahad nito kay Consul General Badajos ang mapait na sinapit niya mula sa kanyang babaeng employer.


Kwento ni Mancilla, sapilitan siyang pinainom ng household bleach dahil sa kabiguan niyang itimpla ng tama ang tsaa ng amo.

Sinabi pa nito na hindi siya pinakakain ng amo sa loob ng 1 buwan at 16 araw maliban sa kape at kinakailangan niyang pagsilbihan ang amo mula alas sinco ng madaling araw hanggang alas dos ng madaling araw kinabukasan.

Paglalahad pa ng OFW, lagi siyang kinakagat ng amo sa tuwing nagkakamali siya.

Sa ngayon, nakikipagpulong si Consul General Badajos sa mga otoridad sa Jizan upang matiyak na mabibigyang hustisya ang ating kababayan.

Facebook Comments