HUSTISYA | VACC, nagbisita iglesya sa tapat ng MPD at mga sangay ng pamahalaan

Manila, Philippines – Nagsagawa ng bisita Iglesiya ang grupo ng Volunteer Against Crime and Corruption sa harap ng Manila Police District at sa mga sangay ng pamahalaan para ipagdasal at hilingin ang pagkakaloob ng hustisya sa mga biktima ng karahasan sa bansa.

Ayon kay DILG Usec. Martin Dino, na dating Chairman VACC taon-taon na nilang ginagawa ang Bisita Iglesiya kung saan inuuna nila ang mga sangay ng pamahalaan bago sila dumiretso sa mga simbahan para ipagdasal ang mga biktima ng karahasan partikular na ang mga karumal-dumal na krimen at mga namatay dahil sa naturukan ng Dengvaxia.

Ipinagdasal din ng grupo ang mga Mahistrado sa Korte Suprema, Court of Appeal, at NBI magibg mga opisyal ng DOJ at miyembro ng Philippine National Police na tumulong sa mga pagresolba sa krimen.


Bitbit din ang mga plakard na may larawan ng mga batang naturukan ng Dengvaxia, Justice for Atio, mga masaker victim kasama na rito ang SAF 44.

Facebook Comments