Hinimok ng pamahalaan ng North Cotabato ang mga katutubo na nawalan ng tirahan matapos tamaan ng lindol noong nakaraang buwan na huwag umalis sa kanilang Ancestral Domain kahit pa dineklara ng Mines and Geosciences Bureau na No Build Zones.
Sa impormasyon na nakuha ng DXMY, inihayag ni North Cotabato Governor Nancy Catamco na kahit na idineklara na itong delikado dahil sa mga landslides, kinakailangan pa rin na pangalagaan ang kanilang ancestral domains sa pangamba na angkinin na ito ng ibang grupo o tao.
Kabilang sa mga apektado ang ilang mga miyembro ng Tribo Manobo sa Kidapawan City kung saan ilan sa mga Ancestral Domains ang dineklara na hindi na pwede tirahan.
Ayon kay Governor Catamco pwede naman nilang balikan ang mga lupain para gawing sakahan o ano panghanap-buhay basta hindi lang sila magtatayo ng istruktura.
Nakatakdang ilipat ang mga tirahan nito sa ligtas na lugar pero hindi malayo sa kanilang lupa.
Kaugnay nito , magsasagawa ng multi-agency meeting and dialogue sa Nobyembre 29, 2019, na pangungunahan ng Provincial Government para sa agarang aksyon .(Daisy Mangod)
From North Cotabato PGO FB Page