Hindi maiiwasang magpawis sa araw-araw na gawain lalo na kapag tag-init o maalinsangan ang klima. Kung hindi ka maalaga sa iyong katawan, ang pawis na ito ay maaaring maging sanhi ng body odor o pangangamoy. Ayon sa mga pag-aaral, nagkakaroon tayo ng body odor dahil sa pagbe- breakdown sa pawis natin ng kemikal na tinatawag na thioalcohols. Itong thioalcohols ang siyang nangangamoy sa ating katawan, at kahalintulad ito ng amoy ng sibuyas, karne o sulfur.
Madalas raw mahanap ang kemikal na ito sa namamasa, naiinitan, at madidilim na bahagi ng ating katawan tulad ng ating kili-kili at singit, dahil ito ang kadalasang tinitirahan ng bacteria. Ang masama pa rito, nakukulob ang amoy sa buhok natin, kaya lalong nananatili ang amoy. Mapababae o lalaki man, maaari kang magkaroon ng body odor na iniiwasan ng nakararami.
Dahil dito, kailangan ang extra alaga sa hygiene ng katawan lalo na ng mga kalalakihan, na mas madalas at mas marami kung magpawis. Mas gwapo at cool ang dating kung amoy fresh at lamang sa paligo, hindi ba? Kaya naman kailangang siguraduhin natin na wala tayong B.O. or unpleasant body odor!
Paano nga ba umiwas sa BO?
Ipinapayo ng mga eksperto na huwag lumabis ang pagkain ng bawang, sibuyas at curry dahil nakakaapekto rin sa amoy na nilalabas ng katawan ang kinakain natin. Ang maaanghang na pagkain tulad ng mga ito, pati na rin ang sobrang caffeine, nicotine, at ilang prescription drugs ay nagbibigay rin ng di kaaya-ayang amoy sa katawan.
Nakatutulong rin na maging relaxed at umiwas sa stress dahil magpo-produce pa ng mas maraming pawis ang katawan sa ganitong mga pagkakataon.Ang mga pakiramdam tulad ng anxiety (pagkabalisa), anger (galit), embarrassment (hiya), at fear (takot) rin ay nagti-trigger rin sa pagpapawis ng ating katawan.
Higit sa lahat, ang pinaka-epektibong paraan para mabawasan ng body odor ay ang paglilinis gamit ng isang germicidal soap lalo na sa mga bahagi ng katawan na prone sa BO, tulad ng Green Cross Soap Cool Mountain Moisturizing Germ-Protection Bar na clinically proven na nagtatanggal ng 99.9% of skin germs. Bukod dito, meron itong Vitamin E na nag-aalaga sa ating balat at may cooling menthol para sa fresh na fresh na feeling. Kaya kahit nagwowork out ka o nagpapawis sa ano pa mang pagkakataon, siguradong refreshed ang feeling mo. Huwag magpatalo sa body odor at maging lamang sa paligo with Green Cross Soap Cool Mountain!