Manila, Philippines – Ipinauubaya na lamang ni Consultative Committee Spokesperson Ding Generoso sa Presidential Communications Operations Office ang kapalaran ni Assistant Secretary Mocha Uson.
Ito ay matapos masangkot muli si Uson sa panibagong kontrobersya makaraan nitong idaan at ng kanyang co-host sa malaswang sayaw ang I-pederalismo campaign.
Ayon kay Generoso ang PCOO na ang bahala kung pasasalihin pa nila si Mocha sa information dissemination campaign para ipabatid sa publiko kung ano ang pederalismo.
Pero kung si Generoso ang tatanungin mas mainam na mag lie low muna si Uson habang pinag-aaralan ang draft federal constitution.
Aniya hindi biro ang pederalismo at kailangang seryosohin ang ganitong mga usapin.
Facebook Comments