Ian Veneracion, ayaw papasukin sa showbiz ang kaniyang mga anak; Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray, wala nang planong patulan ang mga bashers nito

344

Manila, Philippines – Wala daw plano ngayon ang aktor na si Ian Veneracion na ipasok sa showbiz ang kaniyang tatlong anak.

Ayon kay Ian, hindi siya sang-ayon at pipigilan daw niya ang mga anak na pumasok bilang artista dahil ayaw daw niyang pagdaanan ng mga ito ang naranasan niya sa mundo ng showbiz.

Ito ang naging reaksiyon ng aktor matapos makita ng mga fans ang ipinost nitong picture sa social media kasama ang mga anak na sina Draco, Deidre at Duccio.

Samantala, hahayaan na lamang daw ni Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray ang mga bashers nito at wala na daw siyang planong patulan pa ang mga negative comments na ibinabato sa kaniya.

Say ni Catriona, mas gusto daw niyang i-promote ang positive vibes lalong-lalo na sa socila media para sundan o gayahin daw siya ng ibang netizen.

Sa ngayon, nais muna daw i-enjoy ni Gray ang pagiging beauty queen bago dumating ang oras na kailangan na niyang maghanda para sumabak sa Miss Universe Pageant.

Facebook Comments