Dalawang suspect na naghagis ng pillbox sa Dapdap patuloy na hinahanap

*Posibleng pampabulabog at pananakot lamang ang motibo ng mga nasa likod ng pagtapon ng pillbox sa fly-over ng barangay RH-02 na ikinasugat ng tatlo katao ngunit minor injury lamang.*
*Ayon kay City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio, na patuloy ang kanilang pagsisikap na matukoy o makilala ang dalawang suspect na sakay ng kulay Blue na single motorcycle, na mabilis tumakas patungo sa direction ng Notre dame avenue makaraang ihigis ang pillbox.*
*Para naman kay RH-02 barangay chairman Christopher Anthony Boyboy Coraza, na wala silang makitang iba motibo kundi pananakot dahil wala namang kaaway ang tatlong nasugatan. Anya dahil sa insedente ay hihigpitan na nila ang pagbabantay sa itaas ng fly-over, na lagi naman daw nilang ginagawa at nalusutan lang sila noong linggo ng gabi dahil nafocus sila sa pagbabantay sa kanilang bisita.*

Facebook Comments