Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang pagpapatuloy ng weekly genomic biosurveillance activities ng Department of Health (DOH), UP-Philippine Genome Center at UP-National Institute for Health.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay para sa mga papasok na pasahero sa bansa at para na rin sa mga local cases, kung saan binibigyang prayoridad ang mga hospitalized patients, reinfected patients at ang mga nasa clusters.
Pinabubuo rin ng IATF ang isang working group na pamumunuan ng DOH na siyang tututok sa pagresolba ng mga isyu sa funding, availability at paggamit ng quarantine facilities at pag-turn over sa mga Local Government Units (LGUs) ng mga umuuwing Pilipino.
Kaugnay nito, inatasan din ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na maglabas ng advisories sa mga LGUs upang paghandaan at palakasin ang maintenance ng kanilang quarantine facilties, maging ang pagtitiyak na mapapatupad nang tama ang paggamit ng StaySafe.ph System para sa pinalawak na contact tracing efforts.