Ngayong umaabot na sa 3,764 ang mga tinamaan ng Coronavirus Disease sa Pilipinas, muling ipinaalala ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na sasagutin ng PhilHealth ang lahat ng gastusin ng mga kababayan natin na na-ospital dahil sa COVID-19 mula testing hanggang pagpapa-ospital.
Ayon kay IATF Spokesperson at CabSec Karlo Alexei Nograles, ang aprubadong Benefit Package para sa COVID19 patients ay:
- COVID-19 (SARS CoV-2) testing: PhP8,150.00 (all components covered by package) PhP5,450.00 (kapag ang test kit ay donated) PhP2,710.00 (PRC testing unbundled)
- Community isolation: PhP22,449.00 (with LGU overhead)
- Mild pneumonia (elderly): PhP43,997.00
- Moderate pneumonia: PhP143,267.00
- Severe pneumonia: PhP333,519.00
- Critical pneumonia: PhP786,384.00
Paliwanag pa ni CabSec, sasagutin din ng Philhealth ang COVID-19 tests na ginawa sa labas ng ospital o non-hospital facilities tulad ng laboratories basta’t ito ay accredited ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Facebook Comments