Nakatakdang magpasya ngayong araw ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kung palalawigin o babawiin na ang lockdown restrictions sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ang magiging desisyon ng IATF ay idadaan kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa final approval.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, titingnan ang doubling rate ng mga kaso, kapasidad ng healthcare system, at ang aspeto ng ekonomiya.
Sa kasalukuyan, ang siyudad ng Cebu at Mandaue ang nasa ilalim ng ECQ.
Ang Metro Manila, Laguna, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Angeles City, at Zambales ay nasa MECQ hanggang May 31, 2020 maliban na lamang kung palalawigin o babawiin ng pamahalaan.
Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).