Posibleng makapasok sa Pilipinas ang iba pang COVID-19 variants.
Ito ang ibinabala ni University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Emergency Medicine Department Chairman at dating Adviser ng National Task Force (NTF) against COVID-19 Professor Dr. Ted Hebosa sakaling ipatupad ang mas maluwag na border restrictions.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge (OIC) Usec. Maria Rosario Vergeire na kanilang pinag-aaralan ang suhestiyon kasama ang Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa naturang usapin.
Paliwanag ni Dr. Herbosa na masyado pang “risky” kung magluluwag ng restrictions sa mga entry at exit point sa bansa.
Kumpiyansa rin aniya siya na mas mataas ang tyansa na tamaan ang isang indibidwal lalo na kung hindi pa ito nahahawaan ng variant ng COVID-19.