Iba pang natitirang kaso ni De Lima, malaki ang tiyansang ma-dismiss ayon sa DOJ

Malaki ang tiyansa na tuluyan nang ma-dismiss ang iba pang natitirang kaso ni dating Sen. Leila de Lima.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang pagpabor ng korte sa petition for bail ng dating senador ay tila nagpapakita na unti-unting nababawasan ang lakas ng kaso.

Hindi naman daw papayagan ng korte na makapagpiyansa ang isang akusado kung sa tingin nito ay malakas ang mga naiprisintang ebidensya.


Gayunpaman, ipinauubaya na ni Remulla sa prosecutor na may hawak ng kaso kung iaapela ba nito ang desisyon ng huwes na bigyan ng pansamantalang kalayaan si De Lima.

Hindi naman nagbigay ng komento si Remulla sa pinaplano ni De Lima na kasuhan sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

Facebook Comments