Manila, Philippines – Hindi pa maaresto ng pulisya ang ibang suspek sa “rent tangay” scam na nambiktima sa ilang vehicle owners sa Metro Manila at kalapit na probinsya.
Sa press briefing, sinabi ni Sr. Insp. Jem Delantes ng PNP-Highway Patrol Group na kahit wala pang arrest warrant ay patuloy nilang mino-monitor ang mga suspek.
Una nang naaresto si Rafaela Anunciacion na itinuturing na mastermind ng scam.
Sa ilalim ng Rent-Tangay Scam, nirerentahan ng mga suspek ang mga sasakyan at binabayaran ang may-ari nito ng P25,000 hanggang P45,000 kada buwan.
Pero ang hindi alam ng mga biktima, ibinebenta na ng mga suspek ang kanilang mga sasakyan sa ibang lugar.
Dahil sa dami ng reklamo, umabot na ang imbestigasyon ng DOJ task force rent sangla sa region 1, 2, 3, 4–a, 4–b, NCR, 8, 10, 12 at Cordillera Region.
n