Nagkaisa ang lahat ng Sektor sa Antipolo upang isulong ang tunay na pagtanggap at pagkalinga sa mga taong may kapansanan partikular na ang pagtanggap ng mga taong may Autism.
Sa ginanap na Autism Acceptance and Awareness nagkaisa ang ibat ibang ahensiya ng gobyerno sa Antipolo upang kumilos para tuldukan na ang maling paggamit ng salitang “Autistic”.
Nilinaw ng Autism Society of the Philippine na hindi sakit ang Autism ku di naiibang kondisyon lamang na nangangailangan ng pagtanggap,akomodasyon at pagkilala.
Base sa pag-aaral aabot sa 1.2 million FIlipino ang may Autism,sa bilang na ito 10 porsyento lang ang mayroong tamang medical detection at 5 porsyento lamang dito ang mayroong tamang paggamot.
Facebook Comments