Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng barangay laban sa paggamit ng ilegal at mapanganib na paputok na maaaring magdulot ng aksidente at pinsala sa publiko.
Alinsunod sa Republic Act No. 7183, na nagreregula sa pagbebenta, paggawa, pamamahagi, at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga hindi awtorisado at mapanganib na kagamitang tulad ng boga.
Ayon kay Barangay Bonuan Binloc Punong Barangay Wilmer Castanares, mariing tinututulan ng pamunuan ng barangay ang paggamit ng naturang improvised na pampaingay dahil sa panganib na dulot nito sa kaligtasan ng mga residente, partikular na sa mga kabataan.
Hinikayat naman ang publiko na agad ireport sa barangay hotline o sa mga Barangay Tanod ang sinumang makikitang gumagawa o gumagamit ng boga upang maagapan ang anumang posibleng aksidente.
Nanawagan din ang pamunuan sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak at pigilan ang mga ito sa paggawa at paggamit ng naturang pampaingay.
Samantala, tiniyak ng barangay ang patuloy na pakikipagtulungan sa mga pamilya, paaralan, at Philippine National Police o PNP upang mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at katahimikan sa buong komunidad lalo na sa papalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










