Friday, October 16, 2026

Iba’t ibang aktibidad isasagawa ng DOJ sa kanilang 129th anniversary

Tiniyak ng Department of Justice na patuloy nilang tutugon sa pangangailangan ng bawat Pilipino.

Sa harap ito ng pagdiriwang ng kagawaran ng ika-129 na anibersaryo sa susunod na linggo.

Ayon kay DOJ Secretary Eric Vida, hindi lang dapat sa loob ng mga tanggapan ang serbisyo kundi nararamdaman din dapat ng mga Pilipino sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.

Sabi ng kalihim, pagkakataon din ang napipintong anibersaryo para ipakita ang kanilang tungkulin sa publiko.

Mula September 21 hanggang September 25 magkakaroon ng iba’t ibang aktibidad ang DOJ kabilang ang government service caravan, wellness programs, outreach activity at pagkilala sa mga natatanging kawani ng kagawaran.

Facebook Comments