Magsasagawa ang Commission on Elections (COMELEC)–Dagupan City ng Pre-Candidacy Orientation para sa lahat ng aspirante sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE na nakatakda sa November 2, 2026.
Gaganapin ang orientation sa September 23 at 24, alas-7:30 ng umaga, sa City Plaza, Dagupan City.
Sa September 23, kabilang sa mga barangay na nakatakdang dumalo ang Pugaro, Salapingao, Calmay, Carael, Lomboy, Lucao, Bonuan Binloc, Bonuan Boquig, Bonuan Gueset, Tambac, Mamalingling, Bolosan, Mangin, Salisay at Tebeng.
Samantala, sa Septemer 24 naman ang mga aspirant mula sa Pantal, Caranglaan, Mayombo, Bacayao Sur, Bacayao Norte, Herrero-Perez, Lasip Chico, Malued, Tapuac, Poblacion Oeste, Barangay I, Barangay II & III, Barangay IV, Pogo Chico, Pogo Grande at Lasip Grande.
Isasagawa ang orientation sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government o DILG, Philippine National Police o PNP, at Bureau of Internal Revenue o BIR, na tatalakay sa mahahalagang usapin bago at matapos ang halalan.
Hinihikayat ng COMELEC-Dagupan ang lahat ng nagnanais tumakbo sa nalalapit na Barangay at SK Elections na dumalo sa itinakdang orientation. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









