Iba’t ibang aktibidad, isinagawa sa QC kaugnay ng 141st birth anniversary ni Manuel Quezon

Pinangunahan ni Rafael Harpaz, Ambassador of Extraordinary and Plenipotentiary ng Embassy of the State of Israel  ang pag-aalay ng bulaklak sa dambanang pang-alaala  ni dating Pangulong Manuel Quezon sa QC Memorial Circle kaugnay ng selebrasyon ng kaniyang 141st birth anniversary.

Sinamahan siya nina DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, Mayor Joy Belmonte mga kinatawan ng National Historical Commission.

Susundan ito ng isang commemorative program sa museo ni Manuel Quezon sa Quezon City Memorial Circle.


Bukod sa programa sa QCMC, may special block screening ng mga pelikulang Larawan at Quezon’s Game mamayang alas-11:00 ng umaga at alas-3:00 ng hapon sa Cinema 1 ng Trinoma Mall.

Ito ay hatid ng tanggapan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at ng QC Tourism Department.

Free ang film showing kailangan lamang mag-pre-register ng mga residente ng lungsod dala ang kanilang QC LGU IDs.

Si Quezon, presidente ng Republika ng Commonwealth ay ipinanganak sa Baler, Aurora.

Hinangaan si Quezon maging ng ibang mga bansa dahil sa kanyang pagkupkop sa 1,200 Jewish refugees sa kasagsagan ng European holocaust.

Alinsunod sa Republic Act No. 6741, ang August 19 ay special non-working public holiday sa Quezon City at mga lalawigan ng Quezon at Aurora.

Facebook Comments