MANILA – Magsasagawa ng ibat ibang simpleng ritwal ang pamilya ng mga kasapi ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao, dalawang taon na ang nakakaraan.Isang misa ang ini-alay sa Camp Bagong Diwa sa Taguig at camp crame sa Quezon City ngayong araw kung saan imbitado ang mga kaanak ng tinaguriang gallant 44.Habang sa Baguio City sinabi ng ama ni C/Insp. Gednat Tabdi na si Garcia Tabdi na magsasagawa sila ng ritwal kung saan batay sa kanilang kultura ay kinakailangang may katayin na hayop bilang alay sa namatay nilang anak na SAF trooper.Si Tabdi rin ang pumutol sa daliri ng international terrorist na si Marwan upang patunayan na ito ay napatay.Samantalasa interview naman ng RMN kay Erica Pabalinas, biyuda ni Sr. Insp. Ryan Pabalinas – matapos makausap ang Pangulong Rodrigo Duterte, umaasa ito na matutuldukan na at mapananagot ang mga responsable sa pagkamatay ng SAF-44.Kaugnay nito, nagmamartsa na papuntang Ombudsman ang ibat-ibang militanteng grupo kasama ang pamilya ng SAF 44.Sa ambush interview ng RMN kay Atty. Ferdie Topacio, kakalampagin nila ang Ombudsman sa mabagal na usad ng kaso.
Ibat Ibang Aktibidad Sa Ika-Dalawang Taong Anibersaryo Ng Mamasapano Massacre – Isinagawa….Pamilya Ng Saf-44, Umaasang
Facebook Comments