Iniharap ng Quezon City Police District (QCPD) kay NCRPO Director, Police Major General Guillermo Eleazar ang iba’t-ibang uri ng mga nakumpiskang armas at mga nahuling suspek ng lahat ng 12 police station sa QCPD.
Nakumpiska lamang ito mula Abril 23 hanggang 28 ngayong taon sa ilalim ng District-Wide Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation sa lungsod.
Ang pagsamsam sa mga armas ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng QCPD laban sa loose firearms at criminal activities ngayong nalalapit ang halalan sa Mayo.
Kasabay nito iniharap din kay NCRPO chief ang mga nahuling suspect na naaresto sa iba’t-ibang anti-criminality operations.
Sa mga naaresto, 295 ang sangkot sa illegal drugs, 65 ang wanted persons habang pinakamarami o nasa 12,370 ang naaresto dahil sa iba’t-ibang paglabag sa ordinansa.
Tiniyak pa ng QCPD na mas pasisiglahin pa nila at magtuloy-tuloy ang kanilang operasyon lalo pa at nalalapit na ang midterm elections.