Ibat ibang armed group, hindi pinapayagan ng konstitusyon na tumulong sa pakikibaka ng AFP

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Panfilo Ping Lacson na hindi dapat payagan ng gobyerno na sumabak katuwang ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang iba pang armed groups tulad ng Moro National at Moro Islamic Liberation Front at New People’s Army.

Paliwanag ni Lacson, lalabag sa konstitusyon kung papayagan ang mga armadong grupo na tumulong sa bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay lacson, dahil tanging ang AFP lang at Philippine National Police ang itinatakda ng konstitsuyon na tumugis sa mga lawless elements sa bansa.


Kung seryoso aniya ang MNLF at iba pang armed group na tumulong sa gobyerno, ay pwedeng magbigay ang mga intelligence information sa kinaroroonan o aktibidad ng mga terorista.
DZXL558

Facebook Comments