BFP Cauayan City, nag inspeksiyon sa mga paaralan at boarding house sa siyudad

205

Cauayan City, Philippines – Nag inspeksyon ang mga kasapi ng pamatay sunog ng syudad ng Cauayan sa ibat-ibang paaralan at boarding house sa lungsod.
Ayon kay city fire marshal Joane Vallejo hepe ng BFP Cauayan layunin nito na maging ligtas ang mga estudyante sa mga eskwelahan at mga inuupahang boarding house.
Pinayuhan din nito ang mga guro at estudyante na laging mag imbak ng tubig sa kanilang mga silid aralan upang may magamit kapag nag karoon ng sunog.
Kaugnay nito, hiniling din niya sa mga magulang na tignang mabuti ang mga boarding house na inuupahan para sa kanilang mga anak.dagdag pa ni city fire marshal Vallejo na may listahan sila ng mga lehitimong mga boarding house at dumaan na sa kanilang masusing inspeksyon.
DZXL558, Analiza Gamad

Facebook Comments