Dating Marawi City Mayor Fahad Salic, matagal ng supporter ng Maute group ayon sa AFP – samantala, Cayamora Maute itinuturing na high risk inmate kaya inilipat sa Metro Manila

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na matagal nang pino-pondohan ni dating Marawi City Mayor Fahad Salic ang mga terorista sa Mindanao.

Ayon kay Brig. General Gilbert Gapay, Deputy Commander ng Eastern Mindanao command, bago pa man magsimula ang gulo sa Marawi ay nakakatanggap na sila ng reports na sinu-suportahan ni Salic ang Maute Group.

Kabilang na aniya rito ang pagbibigay ng armas at logistics.


Samantala, ipinaliwanag din ni Gapay na security concern ang dahilan kung bakit inilipat sa Metro Manila si Cayamora Maute.

Bilang pinuno aniya ng angkan, maituturing na high risk inmate si Cayamora at hindi rin maiiwasang marami ang magtangkang itakas siya.

Si Salic ay naaresto kahapon sa barangay San Martin, Villanueva, Misamis Oriental dahil sa kasong rebelyon habang si Cayamora naman ay naaresto sa Davao matapos maharang ang sinasakyang van.
DZXL558

Facebook Comments