Iba’t-ibang chapter ng PRC naka full alert matapos ang Jolo, Sulu bombing

Agad na rumesponde ang mga volunteers ng Philippine Red Cross (PRC) matapos mangyari ang magkasunod na pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral kahapon.

Sa nasabing pagsabog 20 ang naitalang namatay habang nasa halos 100 naman ang sugatan.

Kasunod nito sinabi ni PRC Chairman Richard Gordon na naka full alert ang kanilang iba’t-ibang chapter sa buong bansa kung saan patuloy ang pagbibigay nila ng humanitarian assistance sa mga biktima ng pagsabog.


Samantala pinayuhan din ni Chairman Richard Gordon ang Red Cross volunteers na mag doble ingat sa pagresponde ito ay makaraang masugatan ang dalawa nilang responders habang tumutugon sa kanilang misyon.

Facebook Comments