Naparami ang kain nitong holiday season? Huwag kang mag-alala, narito ang ilang mga diets na pwede mong simulan ngayon bagong taon para sa mas malusog na pangangatawan:
Mediterranean Diet
Sa diet na ito, ang kadalasan ng kakain mo ay mga gulay at prutas, babawasan ang pagkain ng mga red meat, mga sweets at mga mamantikang pagkain. So, kung gagawin mo ito, iwas iwas muna sa mga fried at processed foods.
DASH Diet
Sa DASH diet naman, ang karaniwang kakainin mo ay mga prutas, gulay, mga whole grains, lean protein at mga low-fat dairy tulad ng butter, kesong puti at fresh milk.
Flexitarian Diet
Ang salitang “Flexitarian” ay hinango mula sa dalawang salitang “flexible” at “vegetarian”. So ito naman ay para sa mga vegetarian nating friends, kadalasan mong kakainin ay gulay at prutas pero hindi kailangang umiwas sa pagkain ng karne kung gusto mo!
Asian Diet
Sa Asian Diet, tulad ng mga nakikita natin sa Koreanovelas at sa Pinas, normal ang pagkain ng mga noodles at kanin na sinasabayan ng mga gulay at red meat minsan sa isang buwan. Sa ganitong diet, balanse and pagkain ng carbohydrates, gulay at karne na pagkukunan ng energy para sa buong araw.
Ketogenic Diet
Nito ngang nakaraang 2018, sumikat ng husto ang Ketogenic o Keto Diet para sa mga nais magpapayat. Nagsimula ito nang gawin ito ng mga sikat na artista na agad namang sinubukan ng marami.
Sa diet na’to, kadalasan ay mga matatabang pagkain ang kinakain. Ang mga ganitong pagkain ay tumutulong sa pagpayat dahil sa mga body fats mismo kumukuha ng energy na gagamitin ang katawan.
Alin sa mga nabanggit na diet ang nais mong simulan ngayong 2019?
Article written by Michaella Caballes
Facebook Comments