Sunday, March 8, 2026

Iba’t ibang grupo nagsagawa ng kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio ngayong International Women’s Day

Isang kilos-protesta ang isinasagawa sa Liwasang Bonifacio sa Maynila kasabay ng paggunita ngayong araw sa International Women’s Day.

Nagsimula ang programa bago mag-alas nuwebe ng umaga kung saan nagmartsa ang iba’t ibang grupo ng mga kababaihan bago nagtipon-tipon sa Liwasan.

Ayon sa grupong Gabriela na nanguna sa pagtitipon, layon nitong bigyang pagkilala ang mga kababaihan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at sa patuloy nilang ipinaglalaban na pagkakapantay-pantay.

Nanawagan din sila sa mga kababaihan na makiisa sa kanilang mga ipinaglalaban habang binanggit din sa mga talumpati ang mga kasalukuyang isyu gaya ng korapsyon at ang tumataas na presyo ng bilihin dahil sa nagpapatuloy na tensiyon sa Middle East.

Samantala, kasama sa isinisigaw ngayon sa kilos protesta ang pagkondena sa ginagawang pambobomba ng Estados Unidos sa Iran at ang krisis na dulot nito.

Binatikos din ng grupo ang pakikipagtulungan ng gobyerno ng Pilipinas sa America at ang pagpapagamit umano sa mga pasilidad ng militar.

Sabi ng Manila Police District, nasa 360 ang crowd estimate ngayon dito sa Liwasang Bonifacio.

Facebook Comments