Monday, November 16, 2026

Iba’t ibang militanteng grupo, pipiliting makalapit sa PICC bukas sa kabila ng mahigpit na seguridad; 10,000, inaasahang lalahok sa Bagong Alyansang Makabayan

Ito ang pahayag ni Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Jerome Adonis matapos ianunsiyo na hindi na matutuloy ngayong araw ang kanilang pagmartsa patungong Philippine International Convention Center (PICC).

Sa gitna pa rin ito ng serye ng kilos protesta ng iba’t ibang grupo bilang pagtutol sa pagbisita sa bansa ni US President Donald Trump at ang posibleng pagpirma ng kasunduan para sa planong itayong Pax Silica hub.

Ayon kay Adonis, sa halip na magmartsa ngayon ay nais nilang hikayatin muna ang iba pa na lumahok upang mas dumami ang mga magmamartsa bukas patungong PICC.

Ipipilit daw nila ito kahit pa magtangkang harangin ng mga barikada ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi pa ni Adonis na nasa 10,000 ang inaasahan nilang lalahok sa pagmartsa patungong PICC.

Facebook Comments