
Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila binabalewala ang impormasyon na may grupong magsasagawa ng kaguluhan sa kasagsagan ng mga rally sa gitna ng nagpapatuloy na ASEAN Summit sa bansa.
Ito ay kasunod ng social media post na kumakalat online na may grupong bukod sa mga raliyista at pulisya ang umano’y magpapasabog o magpapaputok ng baril sa kasagsagan ng mga kilos protesta.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Allen Rae Co, sineseryoso nila ang lahat ng mg klase ng banta.
Aniya, iimbestigahan ng pulisya at beberipikahin ang nasabing impormasyon na ito.
Samantala, tiniyak naman ng PNP na may sapat silang pwersa at mga contingency plans sa posibleng insidente.
Facebook Comments










