IBAYONG PAGHAHANDA ISINAGAWA SA BONOK-BONOK FESTIVAL NG SURIGAO CITY

IBAYONG PAGHAHANDA ISINAGAWA SA BONOK-BONOK FESTIVAL NG SURIGAO CITY

Ibayong paghahanda na ang isinagawa sa nalalapit na Bonok-Bonok Festival ng Surigao City sa Sept. 9, ilalim sa temang Surigao: Sajaw para sa Kalinaw (Sayaw sa Kapayapaan).
Ang mga miyembro ng City Tourism Council Maradjaw Karadjaw Festival ang nagkaroon ng ikalawang event committee meeting sa pagtalakay sa mga preparasyon sa pinakamalaking kaganapan sa kapistahan ng patron, Senior San Nicolas de Tolentino.
Sa pagtitipon sa pangunguna ni City Councilor Ernest Matugas Jr., kasama ang Presidente na si Richard Nick Amores at iba pang miyembro, tinalakay ang plano sa seguridad, accommodation, traffic, medical emergency at iba pa. Ngayong taon, umaabot sa 17 ang kabuuang partisipante sa Free Category at Bonok-Bonok Base mula sa iba’t ibang paaralan, barangay at ibang mga probinsiya.
Sa 2017 Bonok-Bonok Festival, espesyal na panauhin si Speaker Pantaleon Alvarez.

Facebook Comments