IBINASURA | Hiling ng commuter’s group na ipahinto ang taas-pasahe sa jeep at bus, hindi pinagbigyan

Manila, Philippines – Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mosyon ng United Filipino Consumers and Commuters o UFCC na nagpapatigil sa taas-pasahe sa jeepney at bus sa Nobyembre.

Batay sa desisyon ng LTFRB, ibasura ang mosyon dahil wala umanong naipakitang bagong argumento ang grupo.

Paliwanag ni LTFRB chairman Martin Delgra, naresolba na ang mga isyung nakapaloob sa petisyon noong dinidinig pa ang hiling na fare increase.


Giit naman ni Rodolf Javellana Jr., presidente ng UFCC, nagulat siya na hindi na natuloy ang pagdinig kahapon dahil may desisyon na ang LTFRB board.

Aniya, nagbigay ng maling pag-asa si Delgra dahil inanunsyo nito sa isang press conference sa Malacañang na maaaring maghain ng apela ang mga nagpetisyon kontra sa fare hike.

Dahil dito, sabi ni Javellana na iaapela niya sa DOTr at sa Office of the President ang desisyon ng LTFRB.

Facebook Comments