Ibinasura ng Korte Suprema ang petition ng Palawan Provincial Government na pagkalooban sila ng 40 percent na share sa Malampaya national gas project.
Nagkaroon ng unanimous vote ang mga Supreme Court justices sa en banc sa botong 13-0 na nagbabasura sa petisyon.
Ayon sa SC, national government lang ang dapat kumita sa nasabing proyekto.
Maliban rito, hindi rin anila sakop ang Malampaya sa 15 kilometer municipal waters ng Palawan.
Mababatid na nasa sampung bilyong dolyar ang tinatayang revenue ng pamahalaan sa Malampaya national gas project.
Facebook Comments