Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) na posibleng smuggled o peke ang mga nasa merkadong Chinese herbal medicine na Lianhua Qingwen na may Chinese character.
Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni FDA Director General at Department of Health Undersecretary Eric Domingo na dapat nakasulat sa English ang bibilhing ganitong produkto.
Ayon kay Domingo, bagama’t nakarehistro na noong nakaraang taon ang ganitong produkto ay ang mga may English na label lamang ang inaprubahan na mismong nagmula sa factory sa China.
Samantala, pinag-aaralan na ngayon ng Department of Science and Technology (DOST) ang Melatonin bilang posibleng gamot kontra COVID-19.
Facebook Comments