Tiniyak ni Bulacan Representative Jonathan Sy-Alvarado na ligtas pa ring kainin ang mga karne ng baboy na mula sa Bulacan.
Ayon kay Sy-Alvarado, walang dapat ikatakot sa pagkain ng karneng baboy mula sa Bulacan dahil hindi nila pinabayaan na maibenta at mailuwas ng lalawigan ang mga baboy na kinakitaan ng sakit na ASF.
Nagsagawa aniya ng mass culling o malawakang pagpatay at paglibing sa mga baboy na may sakit na ASF.
Dumaan din sa pagsusuri ang mga karne na ibinebenta sa kanilang mga pamilihan kaya ligtas itong kainin.
Samantala, tiniyak naman ng kongresista na mabibigyan ng tulong ng lokal na pamahalaan ng Bulacan ang mga hog raisers na apektado ng ASF.
Aminado si Sy-Alvarado na mabigat ang pinagdadaanan ng mga taga Bulacan pero patuloy silang nakikipagugnayan sa Department of Agriculture (DA) kung papaano mabibigyan ng tulong ang mga apektadong hog raisers.