Tatlong menor de edad, Huli sa Aktong Pagnanakaw, Mga Suspek nasamsaman ng Marijuana!

54

*Naguilian, Isabela- *Natimbog sa aktong pagnanakaw sa isang paaralan ang tatlong menor de edad matapos matiklo ng kapulisan sa brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, habang nagpapatrolya ang mga kasapi ng PNP Naguilian ay lumapit umano sa kanila ang gwardiya ng Naguilian National High School na mayroon umanong nagnanakaw sa loob ng opisina ng nasabing paaralan.

Agad namang rumesponde ang kapulisan at naaktuhan ang pagnanakaw ng tatlong menor de edad na suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang kanilang ninakaw na isang desk fan, isang computer, isang printer, isang itak at perang nagkakahalaga ng mahigit dalawang daan.

Narekober din mula sa mga suspek ang isang rolyo ng papel na naglalaman ng tuyong dahon ng Marijuana at isang lighter.

Dinala na sa PNP Naguilian ang mga suspek para s akanilang kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang dinala naman sa Crime Lab ang nakumpiskang Marijuana.

Facebook Comments