IBP at pitong mangingisda na signatories, umatras na sa Writ of Kalikasan petition sa Korte Suprema

95

Umaatras na ang pito sa 40 mangingisda na nakalagda sa Writ of Kalikasan Petition sa Korte Suprema.

 

Kasama rin sa umaatras sa petisyon ang Integrated Bar of the Philippines o IBP.


 

Ito ang nakasaad sa Omnibus Motion and Manifestation ng Petitioners na inihain kanina sa Korte Suprema.

 

Ipinaabot din  ng mga abugado ng petitioners na umaatras na rin silang legal counsel ng dalawampung iba lang mangingisda na nakalagda sa petisyon.

 

Hiniling din ng IBP na mabura sa court records ang manifestation with motion na inihain ng Office of the Solicitor General noong July 9, 2019 na pinaparatangan sila ng misrepresentation.

 

Facebook Comments

From Advertisers