Utang issue ni Neil Arce, iklinaro ng malapit na kaibigan

3136
File photo

Sinagot ng malapit na mga kaibigan ni Neil Arce ang isyung baon daw ito sa utang at si Angel Locsin pa ang magbabayad.

Ayon sa isang malapit na kaibigan ni Neil, hindi raw fair na sabihing baon ito sa utang dahil sa mga pelikulang hindi mataas ang kinita.


Dagdag ng kaibigan ni Neil, hindi flopped ang mga pelikula nito at hindi siya aabot sa pangungutang.

“Huwag ninyo nang isipin ang apelyidong Arce,” aniya dahil mayaman si Neil.

Mayroon siyang isang anak at mapera ang nanay o dating asawa ni Neil ayon sa kaniyang kaibigan.

Hindi rin idinetalye ang preparasyon ng kasal nina Angel at Neil ngunit pinaghahandaan na raw ito.

Inanunsiyo nina Angel Locsin at Neil Arce ang kanilang engagement noong Hunyo 29 at magkasintahan simula noong Oktubre 2017.

Facebook Comments

From Advertisers