IBP, bukas sa sinumang maghahain ng disbarment complaint laban kay Atty. Larry Gadon

Bukas ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa sinumang maghahain ng reklamong disbarment laban kay Atty. Larry Gadon.

Matatandaang inihayag ni Gadon sa isang radio interview na mayroong HIV ang namayapang si dating Pangulong Noynoy Aquino III.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni IBP National President Atty. Domingo Cayosa, handa silang magsagawa ng imbestigasyon kung may nais magreklamo laban kay Gadon.


Pag-aralan ng mabuti ito ng kanilang ethics committee at titingnan kung may basehan ang reklamo lalo na at mabilis na ang kanilang proseso.

Pagtitiyak ni Cayosa na pakikingan ang paliwanag ni Gadon at ng kampo ng nagrereklamo.

Bagamat na ang bawat isa ay may karapatan sa pamamahayag o freedom of speech, ipinunto ni Cayosa na may umiiral na batas at regulasyon na kailangang sundin.

Binigyang diin ng IBP na dapat sinusunod ng mga abogado ang kanilang code of conduct.

Facebook Comments