Cauayan City, Isabela- Kinukondena ng Integrated Bar of the Philippines ang ilang insidente ng patayan sa mga abogado sa bansa at ang kawalan ng hustisya para sa mga ito.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Domingo Egon Cayosa, IBP National President, may nakalaang pondo na 10 milyong piso na gagamiting campaign funds para sa makakapagturo kung sino ang mga nasa likod ng nasabing pamamaslang sa mga abogado.
Ayon pa kay Atty. Cayosa, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabuya sa makakapagturo sa mga salarin ay higit na uusad ang kaso para mabigyan ng hustisya ang mga napatay na abogado.
Ilan aniya sa mga nakikitang dahilan ay posibleng may kaugnayan sa mga kasong hinahawakan ng mga ito.
Kaugnay nito, hiniling ng IBP na kung maaari ay huwag kumitil ng buhay at hayaan na lamang na umusad ang isang kaso.