IBP, maghahain ng Petisyon para sa ipawalang-bisa ang ilang probisyon ng Anti-Terrorism Bill

Cauayan City, Isabela- Inaasahang maipapatupad na simula mamayang hating-gabi ang kapapasang batas na ‘Anti-Terrorism Bill’ kahit na may naihain ng siyam (9) na petisyon sa Korte Suprema.

Ayon kay Atty. Egon Cayosa, National President, Integrated Bar of the Philippines (IBP), wala namang inilabas na temporary restraining order (TRO) ang korte suprema kaya’t walang dahilan para hindi ipatupad ang kontrobersyal na batas.

Giit ni Cayosa, walang dapat ikabahala ang taumbayan sa pagpapatupad ng batas dahil ito ay para labanan ang patuloy na terorismo sa bansa.


Sa katunayan, may inihahanda rin na petisyon ang pamunuan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) para kuwestyunin ang ilang nakapaloob na probisyon gaya ng ginagawa ng ibang grupo sa usapin naman ng kapangyarihan ng hudikatura lamang ay mayroon din ang kakatawan sa advisor council.

Bukod dito, nilinaw na rin naman aniya ni Senator Panfilo Lacson na walang karapatan na magpalabas ng warrant of arrest ang anti-terrorism council.

Giit niya, kwestyunable din kasi ang haba ng pagdetain sakaling maaresto ng wala pang naisasampang kaso dahil wala ito sa pamantayan ng tinatawag na fundamental land ng batas.

Maaarin din kasi na ideklara ng korte suprema na ‘unconstitutional’ ang ilang probisyon ng batas kaya’t nasa hudikatura ang magiging tugon para ipawalang bisa ang ilang nakapaloob sa kontrobersyal na batas.

Hiniling naman ng IBP sa korte suprema na sana ay madesisyunan sa lalong madaling panahon ang ilang parte na kinakatakutan ng maraming Pilipino.

Facebook Comments