Manila, Philippines – Pinaghihinay-hinay ng Integrated Bar of the Philippines ang mga nais maghain ng impeachment complaint laban sa mga impeachable officials.
Ito ay kasunod ng balitang plano narin ng Volunteers Against Crime & Corruption na magsampa ng impeachment complaint laban naman kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Kabilang sa mga opisyal na may kinakaharap na impeachment complaint ay sina Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Ayon sa IBP, hindi dapat abusuhin ang proseso ng impeachment na itinatakda ng Saligang Batas.
Labis na pinangangalagaan ng Saligang Batas ang Hudikatura dahil ito ang pinakamahina sa 3 sangay ng pamahalaan.
Kasunod nito umaasa ang IBP na hindi magagamit bilang sandata ang proseso ng impeachment para mapasunod ang hudikatura.
Magbabantay din ang IBP sa proseso upang matiyak na mapapanatili ang katatagan ng mga institusyon sa bansa.