Mga evacuees galing Marawi City, dinala na sa mga Muslim communities sa Quezon City

Quezon City – Dinala na sa dalawampung Muslim area sa Quezon City ang aabot sa 127 pamilya na lumikas dahil sa pakikipagbakbakan ng tropa ng pamahalaan sa Maute Terrorist Group sa Marawi City.

Nasa 40-50 na elementary student ang pag-aaralin ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pondo ng Quezon City Muslim Consultative Council (QC-MCC).

Kasabay nito, hihilingin ng QC-MCC ang tulong sa anim na distrito sa pamamagitan ng pagpapakalat ng donation box sa mga Muslim area.


Facebook Comments