Cauayan City, Isabela- Inalala ni Integrated Bar of the Philippines President Atty. Domingo Egon Cayosa ang ilang karanasan sa nangyaring 1986 Edsa People Power noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay Atty. Cayosa, pakiramdam pa nito noong panahon ng People Power ay tila hindi na makakatapos pa ng pag-aaral o di na makakapag-exam pa dahil sa umano’y kaliwa’t kanang gulo ang nararanasan noong taong February 1986.
Ikinuwento pa nito na halos araw-araw ay may nangyayaring rally sa ilang bahagi ng Maynila lalo pa’t lumalakas ang sentimiyento ng publiko sa diktaturya at simpatya naman para sa nangyaring assassination kay dating Senador Benigno Aquino sa NAIA.
Ibinahagi rin ni Cayosa ang hating sentimiyento ng mga kasapi ng samahang Vanguard na ang iba ay Pro- Marcos at Anti-Marcos.
Marami din aniya ang hindi na natupad na pangako ng EDSA at lalo pang naging malawak partikular ang korapsyon mula sa mataas na posisyon hanggang sa pinakamababang sangay ng gobyerno.
Giit ni Cayosa, ang hindi dapat mawala sa pag-alala sa EDSA ang makapaghayag ng anuman o ang ‘Freedom of Expression’