
Kinumpirma ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na may pondo na ang Komisyon.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Bryan Keith Hosaka, nailabas na ng Budget Department ang Notice of Cash Allocation o “NCA” kaninang umaga.
Sinabi ni Hosaka na makikipag-ugnayan na lamang sila sa Landbank of the Philippines kung maaari nang magamit ng ICI ang pondo.
Nilinaw naman ni Hosaka na si Chairman Andres Reyes Jr. at ang dalawang miyembro ng Komisyon ay hindi tumatanggap ng sweldo.
Aniya, per diems at allowances lamang ang tinatanggap ng mga ito, alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.
Una na ring kinumpirma ng Malacañang na matagal nang naibigay ng Department of Budget and Management (DBM) sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang P41-milyon na pondo nito.
Una nang lumutang ang ang alegaSyon na ang kawalan ng pondo ng Komisyon ang ilan sa mga naging dahilan ng pagbitiw ni dating ICI Commissioner Rogelio “Babes” Singson.









