
Tiniyak ng Malacañang na mananatiling matatag ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) kahit magbitiw na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio “Babes” Singson.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi maaapektuhan ang operasyon ng ICI dahil binubuo ito ng mga eksperto at mahusay na personalidad na tutok sa pagbusisi sa mga proyekto ng imprastruktura.
Naniniwala ang Malacañang na ang ginagawang trabaho ng komisyon ay magpapatuloy at lalong titibay.
Dagdag pa ng Palasyo, may mga grupo umano na sinasadyang magpalaganap ng isyu para pahinain ang ICI, lalo na ang mga iniimbestigahan na nasasangkot sa alegasyon ng katiwalian.
Sa ngayon, wala pang tugon ang Palasyo kung tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Singson.









