ICI, pag-aaralan ang posibleng pag-imbita kay Sen. Bong Go

Tiniyak ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na pag-aaralan nila ang posibleng pagpapatawag kay Senador Bong Go.

Ito ay sa harap ng alegasyon na posibleng konektado ang kumpanya ng pamilya ni Go sa kumpanya ng mga Discaya.

Sa tanong naman kung posibleng maisama rin sa ILBO o Immigration Lookout Bulletin Order si Go, sinabi ni ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka na depende ito sa bigat ng mga ebidensyang ihahain sa komisyon.

Facebook Comments