ICU utilization rate sa Davao City, nasa “critical level“ na

Umaabot na sa 91 percent o nasa critical level na ang utilization rate ng mga Intensive Care Units (ICU) sa Davao City.

Batay sa OCTA Research Group, ang utilization rate sa mga ospital sa Davao City ay nasa 67 percent.

Mayroon din ang nasabing lungsod ng one-week growth rate na 26% at positivity rate na 14% nakalipas na isang linggo..


Maliban sa Davao City, nakitaan din ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Tagum, Digos, San Pablo, Cebu, at Baguio.

Kasama sa listahan ng OCTA Research bilang “areas of concern” ang Davao City, Bacolod, Iloilo City, Cagayan de Oro, Dumaguete, Butuan, Tacloban, Palomolok sa South Cotabato, at Tuguegarao.

Facebook Comments