ID SYSTEM | PSA, handa nang i-bid out ang kontrata para sa disenyo at pagbuo ng PH ID

Manila, Philippines – Nakatakdang i-bid out ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kontrata para sa disenyo at pagbuo ng Philippine Identification System o PhilSys sa Oktubre.

Ayon kay National Statistician Lisa Grace Bersales, walang nakikita ang ahensya na anumang problema para maantala ang proyekto.

Aniya, nakatanggap na ang PSA ng ilang proposals mula sa pribadong sektor at pormal nilang tatanggapin ito ngayong linggo.


Sa ngayon, isinasapinal pa ang Terms of Reference (TOR) para sa Philippine ID sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Privacy Commission (NPC).

Ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng PhilSys Act o Republic Act 11055 ay inaasahang maisasapubliko sa susunod na buwan.

Facebook Comments