WEATHER UPDATE | Magandang panahon, asahan ngayong araw

Magandang panahon ang asahan sa malaking bahagi ng bansa.

Dahil humina ang hanging habagat at walang namo-monitor na anumang sama ng panahon.

Pero may kalat-kalat pa ring na pag-ulan sa dulong hilagang luzon.


May mahihinang ulan pa ring mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, bahagi ng Calabarzon at Bicol Region.

Ang Samar at Leyte naman ang makakaranas ng pag-ulan sa Visayas.

May mahihinang ulan sa Zamboanga Peninsula habang may thunderstorms sa nalalabing bahagi ng Mindanao.

Sa Metro Manila, maaliwalas ang panahon maliban sa mga saglitang ulan.

Sunrise: 5:43 ng umaga
Sunset: 6:11 ng gabi

Facebook Comments